Companions’ Chronicles: Singing Songs of Healing for Wards 9 and 11

The Ninoy & Cory Aquino Foundation (NCAF) visited the Philippine General Hospital, particularly Pediatric Wards 9 and 11, last November 29, 2014. With the generous support of TAO Commodities, a subsidiary company under TAO Corporation, NCAF, through its Music Ministry, brought songs of hope and joy to the children and their families, and simple gifts, in the spirit of Christmas. Three Journey Companions, Joy, Sheina and Marco, share their personal reflection during their visit inside the hospital.

DSC_0002

The NCAF Team together with TAO Commodities ready to give joy and hope to the kids of PGH.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na ako’y dumalaw sa Philippine General Hospital. Nadurog ang aking puso sa karanasan ko sa Ward 9 at Ward 11 ng Pediatrics Department. Lubos akong nahabag at nalungkot sa sitwasyon ng ating pampublikong ospital. Ang ospital ay lugar na sana ay kakalinga sa mga taong nangangailangan ng tulong medikal. Ngunit, ito pala​ ay ​maaaring maging isang ​lugar na para bang napakahirap magpahinga at ​maniwalang may pag-asa pang ​gumaling​ mula sa isang karamdaman​.

Hindi ko mailarawan sa salita ​kung gaano kahirap ang dinaranas ng mga batang pasyenteng naroroon at ng kanilang pamilya. Kung tutuusin ay hindi ako magiging komportable kung ako ang pasyente dahil napaka-init at napakad​aming pasyente ang naroon sa ward. Sa loob-loob ko, lalo yata akong magkakasakit kung ako ang naroon. Nakakalungkot na sa napakamurang edad — mga sanggol at mga bata — inagaw na ng kanilang karamdaman ang panahon nilang maging “bata” — ‘yung naglalaro, nag-aaral, at nakikisalamuha sa ibang bata. Maaga nilang hinarap ang pagsubok ng katotohanan ng buhay. Wala silang kasiguraduhan sa haharapin nila sa bawat oras na ipinamamalagi nila sa ospital, kung gagaling pa sila at makakauwi, o mababawian ng buhay bago pa makauwi. Nakakagulat na sa kagustuhan ng kanilang mga pamilya, higit ang kanilang mga magulang, na sila ay maipagamot sa pag-asang mapapabuti ang kanilang kalagayan, ‘di nila ininda ang layo nila sa PGH. Ilan sa kanila ay nagmula pa sa napakalayong mga probinsya. Labis akong humahanga sa mga magulang ng mga batang naroon. Sa kabila ng hirap at sitwasyon nila sa buhay, hindi sila sumuko sa pagmamahal nila sa kanilang mga anak dahil sa pag-asang pinanghahawakan nila, na balang araw ay gagaling ang kanilang anak at makakauwi sila. Nagpapakatatag sila sa harap ng mga pagsubok na kanilang kailangang kaharapin. Higit akong humahanga sa mga batang pasyente na naroon, na kahit alam nilang may karamdaman sila ay naniniwala silang may Diyos na magpapagaling sa kanila. Sinusulit nila ang bawat oras at araw para maging masaya. Sa mga ibinahaging kwento at mga ngiti, luha at saya sa sandali naming pagsasama sa Wards 9 at 11, masasabi kong higit kong ipinagpapasalamat sa Diyos na binibigyan Niya ako at ang aking pamilya ng araw-araw na wala kaming anumang malubhang karamdaman. Hinilom ng karasanang ito ang sugat sa aking isipan na ang ospital ay isang lugar ng kalungkutan, dahil ang ospital para sa mga pasyenteng naroon ang lugar ng pag-asa at pananampalataya. 

Dahil sa aming pagbisita sa PGH, mas natutunan ko na pahalagahan at pangalagaan ang aking kalusugan. Napagtanto ko na hindi karapatan ang magkaroon ng maayos na kalusugan. Ito ay isang biyaya, minsan pa ng’ay isang responsibilidad. Tulad kong walang karamdaman, dapat kong iwasan ang mga bagay na alam kong hindi magdudulot ng mabuti sa aking kalusugan. Nabuksan ang aking isip na maging mas maingat, para bang isang paalala ng Diyos na magpasalamat tayo na hindi tayo nasa malubhang kalagayan. 

​Higit sa lahat, natutunan ko na lubusin ang bawat araw sa aking buhay dahil walang kasiguraduhan kung kailan natin huling makakasama ang mga taong mahal natin at mahalaga sa atin. Dapat ay mamuhay tayo bawat oras at bawat araw ng wala tayong pagsisisihan. Ipadama natin sa mga taong mahalaga sa atin kung gaano natin sila kamahal sa kahit gaano pang kasimpleng paraan dahil hindi natin hawak kung kailan matatapos ang oras natin sa mundong ito.

Marie Joy Critica, Journey Batch 1

DSC_0044

Joy talking to a parent in a patient in Ward 9.

“Karapatan ng isang bata ang maglaro, magsaya, kumanta, sumayaw, tumalon, tumakbo at mag-aral.” Ang konseptong ito ang siyang aking pinanghahawakan bago kami pumasok sa charity ward ng PGH kahit pa nga alam ko na ang mga batang dadatnan namin ay naiiba at natatangi sa lahat. Sila ay mga bata na sa murang edad pa lamang ay ginugupo at pinahihirapan na ng malubhang sakit tulad ng cancer. Ako ay nayanig sa aking nakita at nadama. Ilang mga sanggol agad ang aking nakita pagpasok pa lamang. May dalawang buwan, limang buwan at isang taon. Bata sa edad na dalawa hanggang labing anim na taon. Sa mga sandaling akin silang pilit na pinasasaya at binibigyan ng inspirayon mula sa mumunting ngiti at yakap, ako ay nagtanong at nag-isip, kinausap ang sarili at humingi ng sagot sa Ama. Ano nga ba ang dahilan ng Diyos upang ang mga batang ito ay maghirap at masaktan? Napakabata pa nila para sa ganito kalaking dagok ng buhay.

Ngunit bago ko pa man masumpungan ang kasagutan sa aking gunita, nakilala ko si Naomi. Isang batang babaeng punong puno ng pag-asa, pag-asang sa kanyang paggising kinabukasan ay may bagong liwanag para sa kanya at sa kanyang ina. Gagaling siya. Nakita ko ang masidhi niyang paglaban sa kanyang sakit at pananampalataya sa Ama na hindi siya nito pababayaan kanyang laban.

Sa kanya ko nakita ang kasagutan. Sa kanya ko nakita ang Diyos at ang kahalagahan ng buhay. Siyang nakikipaglaban para sa biyaya ng buhay ang lalong nagbukas sa aking mga mata sa kung ano ang mahalaga at nararapat. Ang magbigay ng pag-asa sa iba. Ang ilaan ang buhay hindi para sa sarili kung hindi para sa kapwa, sa bayan at sa Diyos. Ang magkaroon ng isang makabuluhang buhay dito sa mundo. Makapagbigay ng buhay at liwanag. Makapagdulot ng pagbabago kahit na papaano.

Para sa akin, siya at sila ang mukha ng Ama na sumasamo sa akin at sa atin upang maglingkod at maging biyaya para sa iba.

– Sheina Rose Gina, Journey Batch 4

DSC_0042

Sheina talking to her new friend, Naomi.

I am blessed. There is nothing I should complain about.

In PGH, I was able to witness kids who were braver and stronger than I am. Why do these kids have to feel such pain? It was not fair. The sight of unbearable pain broke my heart but seeing them fight inspired me even more. If only I could have taken some of the pain, I would have. As in every form of outreach, I was able to receive more than I gave.

The moment I entered the ward, I had a difficult time processing what I was seeing. I love kids. It was not a good sight for me. But because we were there to try to bring joy, I wore the biggest but loneliest smile. To sing to them with this smile was not the best feeling. But I knew I was praying. So I was sure it was the right feeling.

In the two wards we visited, I was able to interact with some of the kids. It inspired me how much they tried to show joy in their eyes even if pain was evident. They fought. In the second ward, I was able to meet Acel. She was a beautiful and happy kid. And when she said, “Kuya, talagang napasaya mo ako ngayon”, I knew I was not to regret that day. Then she showed me a small but very happy smile. She wore a mask but I saw it in her eyes. I would endure the sight of pain for you Acel, just to see you smile.

I am weak because I will only endure the sight of pain. These kids endure real physical and emotional pain everyday. I want to thank God for these kids because they are inspirations to everyone. Everyday is a miracle. Truly God is amongst us. We should all cherish our lives and share it. Life can only have meaning when it is shared. Thank you PGH kids.

– Marco Velasco, Journey Batch 13

The Journey Companions with one of the Ward 11 patients.

The Journey Companions with one of the Ward 11 patients.

For more information about the Ninoy & Cory Aquino Foundation, you may email at info@ncaf.ph or call at (02) 892-5360.

Advertisements
This entry was posted in NCA Leadership Journey. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s