Companions’ Chronicles: Bringing Hope Inside Bilibid Prison

The Ninoy & Cory Aquino Foundation (NCAF) visited the Medium and Maximum Security Inmates of the National Bilibid Prison last November 22, 2014. With the assistance of the Philippine Jesuit Prison Services (PJPS), Inc., and with the generous support of Tri-Dharma Marketing and United Laboratories, NCAF, through its Music Ministry, brought songs of hope and joy to the inmates and simple gifts, in the spirit of Christmas. Three Journey Companions, Larry, Barth and Keycee, share their personal reflection during their visit inside the Prison.

NCAF Music Ministry serenades the inmates of the Medium Security Prison.

NCAF Music Ministry serenades the inmates of the Medium Security Prison.

Masasabi ko na ang karanasan na ito ay maihahalintulad ko sa pagsakay sa roller coaster. Hindi ko mapili ang akmang salita para ilarawan ang aking halu-halong emosyon na naramdaman. Samakatuwid, hindi maipaliwanag sa isang salita ang karanasan ko sa New Bilibid Prison. Isa sa mga sektor ng ating lipunan na kinamumuhian, hindi pinag-uukulan ng pansin at hindi pinahahalagahan ay ang mga taong nasa likod ng rehas na bakal o ang piitan. Marahil dahil tinuturing silang “problema” na ng bayan ay hindi na naiintindihan ng karamihan ang kanilang buhay. Sa pagbisita namin sa Bilibid naging bukas sa aking isip na, kagaya ko, ang mga bilanggo ay humahanap din ng kalinga. Sa likod pala ng mga rehas na iyon ay mga taong mayroong ding pamilya, mga taong nangangailangan din ng atensyon, pagmamahal, at pagpapahalaga.  Higit akong nalungkot sa katotohanang, deka-dekada na ang binibilang ng mga bilanggo sa Bilibid na hindi man lamang nila nakita ang kanilang mga pamilya na ang iba ay nagmula pa sa malalayong lugar.  Mula sa pagpasok ko nang nakita ko ang mga pamilya na dadalaw at ang mga inmates sa Medium Security Camp, para bang normal na buhay ang mayroon sila. Ilan sa kanila ay nagtitinda ng mga handicrafts at ang ilan ay manikurista. Para bang sabik makakita ng mga taong nasa labas ang halos lahat sa kanila. Alam kong sinundan kami ng tingin ng kanilang mga mata. Iba ang inakala kong Bilibid na nakikita ko sa pelikula — mga inmates sa likod ng rehas, mga pulis na may hawak na batuta, mga gang na nag-aaway. Ngunit ibang-iba ang nakita at naranasan ko. Naroon ang mga biktima ng mga ‘di inaasahang sitwasyon sa buhay, ang mga nalulong sa droga, ang mga nakagawa ng mali dahil sa kahirapan o siguro dahil sa pagmamahal. Ngunit labis akong humanga sa mga taong naroon dahil sa kabila ng bahagi ng buhay nila na nagkamali sila, naroon ang kagustuhan nilang magbago. Nakita nila at higit silang napalapit sa Panginoon dahil sa sitwasyon nila. Daig pa nga siguro nila ang mga taong malaya, katulad ko. Hindi ko malilimutan ang mga luhang tumulo sa kanilang mga mata habang nakikinig sa mga kanta. Ito marahil ay mga luha ng pagsisisi, pangungulila at pag-asang sila’y muling makakalaya at makakasamang muli ang pamilya nila. Sa aking pansamantalang pananatili sa lugar, kung saan nalipasan at bumilang na sila ng taon ng buhay nila, ninais kong ibahagi sa kanila ang Diyos. Ngunit sa akin palang pagpasok sa Bilibid ay matatagpuan ko ang Diyos. Lumabas akong baon ang panalangin para sa kanila at sa kanilang pamilya at ang pag-asa na nawa’y makapag-Pasko silang muli ng magkakasama.

Sa panandaliang panahon na nandoon ako, naunawaan ko ang kahalagahan ng pagkilala sa mga kamaliang nagagawa natin, maliit man ito o malaki, at ang pagpapatawad at pagbibigay sa sarili ng pagkakataon na makapagbagong-buhay muli. Ang bawat tao ay may natural na kagustuhang maging mabuti ngunit nagiging masama dulot ng kahirapan o sitwasyong ‘di nila nakakayanan. Higit sa lahat, naibahagi nito sa akin ang umaapaw na pag-asa at higit na mas matatag na panamampalataya.

Marie Joy Critica, Journey Batch 1

P1030077

Joy, from Journey Batch 1, introducing the NCAF Music Ministry to the Medium Security Inmates.

One More

“Just one more person to pray for,” I answered when asked anong ibabaon mo pag-uwi mo? Growing up, prayer has always been very solemn to me. I used to cry to my mom when I told her I forgot to pray or I sinned in a day. I prayed every morning on the way to school for family, friends, and all blessings I am thankful for and things I wanted to ask for. It was so routinized that I memorized my formula for prayer up until now.

When I pray for anything, it had to mean a lot to me. I never wanted to deviate from my standard prayer unless something would strike me so much that I had to include it. That was the trip to Bilibid for me.

Small as it may seem, adding Tatay *Joseph and Lolo *Jose in my prayers every morning and night makes my communication with God a little more solemn and much more meaningful. I break from what I’m used to, to talk about real people with real struggles. I remember how it felt like to talk to them and as I pray: “Be with the souls of Tatay *Joseph and Lolo *Jose, and the rest of the inmates of Bilibid,” I hope they feel just a little warmer knowing that someone is thinking about them—praying for them. Not just for this Christmas but as long as I am speaking to God.

– Sergio Gabriel, NCAF Music Ministry

Finding God in the Most Unlikely Places: A Reflection on the Bilibid Songs For Healing

It was a day that debunked preconceived notions, and more importantly, it was one roller coaster of emotions both in the Medium and Maximum Security prisons. All in all, the Songs For Healing in Bilibid Prison was an eye-opener and a meaningful experience.

I saw what was really happening within the walls of the Prison. Beyond the reported violence and criminal acts — the types of things you see on the news – life somehow thrives despite it all. Some study, some sing and some have found God even in the bleakest of circumstances. It also showed me a glimpse into the difficulties of being an inmate — the challenges they face each day, and the heavy struggles they have to carry with them, especially those who have spent almost a lifetime inside.

Seeing the aged and tired looks on the faces of the prisoners made the situation feel even gloomier, but when I interacted with them, the sincerity and warmth they gave off was overwhelming. The energy and passion that the choirs in both Medium and Maximum Prisons showed was also an encounter with God, showing me that even in there, life and love prevail.

The sincerity with which the inmates told me “Mag-ingat ka” breaks my heart for their situation, but I also see it as God speaking to me, reminding me that I am blessed. I am reminded not to take for granted the blessings I have, such as being able to see my family, or being part of the free society. Their sincere Thank yous also reminded me why I came; it reminded me of the kind of impact that our mere presence made for them, and motivated me to do more and do even better in sharing God with others.

Larry Garriz, NCAF Music Ministry

The Medium Security Inmates receive simple tokens for Christmas.

The Medium Security Inmates receive simple tokens for Christmas.

Munting Sanggol ng mga Bilanggo

Malapit na ngang magpasko at makikita na sa sari-saring lugar ang mga palamuting kay ningning at kulay. Maririnig na rin sa bawat sulok ang mga awiting gaya ng “Jolly Old Saint Nicholas”, “Frosty the Snowman” at iba pang mga kantang naghuhudyat sa papalapit na pistang ito. Pasko na nga! At hindi ako binibigong supresahin nito kahit sa mga mumunting mga bagay. Sa mga nagdaang Pasko, aking natanto na ang paghihintay sa pagdating ng batang Hesus ay paghihintay rin sa Panginoon ng mga surpresa at pagkamangha, maaaring gulat mula sa halkhak at tuwa, matinding galit at pagkabigo, hanggang sa masalimuot na kalungkutan ang dulot ng Pasko sa akin.

Bilang pakikibahagi sa paghahanda para sa pagdating ng Mesiyas, tayong nasa NCAF ay nagplanong paligayahin ang ilan sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng mga awiting nagbibigay ng lakas at pag-asa. Isa na nga ang Bilibid sa mga ito. 

Hindi na bago sa akin ang Bilibid. Noong ako’y nasa ika-7 baitang, nagkaroon na kami ng isang exposure trip dito kung saan nakapanayam namin ang mga preso mula sa Medium Security. Siyempre, hindi lamang pakikipaghuntahan ang naganap kundi pati ang pagtatanghal namin at maging ng mga inmates. Sa totoo lamang, nakalimutan ko na kung ano ang pagtatanghal ng parehong grupo. At tila parang walang lapit na naganap sa akin noon para sa mga preso. Kaya nang mabanggit na doon nga ang aming Caroling, sinabi ko sa aking sarili na siguradong parang karaniwang outreach lamang ang magaganap.

Ako’y naghihinayang na hindi ako nakapunta sa mga ensayo ng grupo dahil sa aking nauna nang mga katungkulan sa Teatro. Tila hindi ako handa. Parang hindi ko maibibigay nang buo ang aking sarili dahil dito. Nanghihinayang nga. May kakaibang pakiramdan ang bumunsod sa akin nang nakarating na sa Muntinlupa. May halong kaba, pagkamangha at pagkagiliw.

Nagpunta na kami sa piitan upang makita ang mga preso. Mga matatanda ang bumungad sa akin at sa una’y tila’y may pangambang hindi kami magkaroon ng lapit sa kanila, dahil nga sa kanilang katandaan. Maaaring pagod na silang mabuhay sa loob at tanging hinanakit ang aming mapupulot mula sa kanila. Nagsimula na kaming umawit. Ang iba’y umaawit kasabay namin, ang iba’y inaalog ang kanilang mga ulo habang ang iba’y tila wala lang at nakatingin sa malayo. Sa pagdaan ng mga kanta, patuloy pa rin ang kakaibigang paghahalo-halo ng mga emosyon, hanggang dumating ang awiting, Munting Sanggol. Masasabi kong isa ito sa mga napakagandang awiting aming kinakanta magmula pa noong nakaraang taon. Kay ganda sa puntong tila mapapaindayog ka na habang inaawit ito. Sa pagpapatuloy ng pag-awit, hindi ko maintindihan, ngunit may kumanti sa aking kalooban — “Munting Sanggol, kay raming naghihintay Sa’yo. Nanabik, nag-aabang ng pagsilang Mo.” Sa mabilisang pagmumuni, habang umaawit, tila kinakanta ito ng mga nakabilanggo nating mga kapatid. Sila ang nangungusap sa Panginoon nating malapit nang isilang. Sa kabila ng kanilang pagkapiit sa kulungan, nakikita pa rin nila ang paraiso at pag-asa mula rito. Ang dati nilang mga kamalian, ay pinapanibago nila bilang isang susi ng mapagpalayang buhay. Nakausap ko si Mang *Angelo. Matagal-tagal na rin siyang nananahan sa bilibid, ngunit sa ngayon, makikita mo ang ngiti sa kanyang mga mukha nang makita kaming kumanta, at nang ako’y nakipag-usap sa kanya. Wala na raw siyang maaasahan sa kanyang pamilya sa labas. Ang mga rehas na pumapalibot sa kanya ngayon ang kanyang mundo sa kasalukuyan. At ani nya, siya’y masaya, sa kabila ng mga nangyari sa kanyang buhay.

Nakakaantig din ang pinalabas nilang maikling dula. Ako nga’y napaisip, paano nila maituturing na pasko ang darating na panahon, kung sila’y nakakulong at ‘di makasama ang pamilya? Nasaan ang “Maligaya” sa kanilang “Pasko”? Tama nga. Ngunit, sa kabilang banda, sa kanilang paghahabi ng mga ganitong mga awitin at pagtatanghal ay iilan lamang sa kanilang paraan ng pagsalubong sa pagdating ng Maykapal. Oo, masakit ang realidad ng kanilang pasko, ngunit sa mismong pagdaan nila sa pagdiriwang na ito, kahit na sa pait at kahirapan, mababanaag pa rin ang pag-asa sa kanila.

Sinasabi na sa oras ng pagsilang natin ay simula na ng pagbibilang ng ating mga nalalabing araw sa mundo. Gayundin naman ang naganap sa ating Mesiyas na si Hesus.

Simula na upang tupdin ang katungkulang iniatas sa kanya ng Ama – Ang pagliligtas sa sambayan mula sa kamatayan dulot ng kasalanan. Sa ganitong pagtingin, ang paghihintay ng pagdating ng batang Hesus ng mga bilanggo ay isang paghihintay para sa kaligtasan, para sa pag-asa. Si Hesus ay tao rin. Nag-alinlangan, at natakot sa daang naukol sa kanya.
Nagdalawang-isip siyang tanggapin ang kupitang iniaalay ng kanyang Ama sa kanya. Ngunit tinanggap niya ang realidad na ito at sinimulang tunguhin ang kanyang kahihinatnan sa Golgota. Siya’y mamamatay, mahirap tanggapin. Ang mga bilanggo ay mapipiit nang matagal na panahon sa kulungan at ang ilan pa nga’y itinatakwil ng pamilya. Ngunit, gaya nga ng daan tungo sa kalbaryo ni Hesus, hindi natatapos sa kamatayan ang lahat. Laging bumabalik sa Diyos — sa Diyos ng pag-asa at pag-ibig.

Ang Munting Sanggol ng mga bilanggo ay isang katuparan ng pag-asa. Naroon pa rin ang ningning ng pag-asa sa katauhan ng ating Mesiyas na siyang katuwang natin sa lahat. Naroon lamang si Hesus sa mga rehas, kaagapay ang mga bilanggo. Nakita ko ang pagbubuntis ng mga preso sa pag-ibig na si Kristo. Nasa atin ang Diyos, at lalung-lalo na sa kanilang tigib ng pag-asa.  Ang nais natin ay makapagbigay ng liwanag at kalakasan sa kanila, ngunit, sa katotohanan, sila ang naglunsad ng lakas at kapunuan sa aking puso.

Isang hamon sa atin na sa kabila ng ating mga pinagdaanan, at daraanan pang mga pagsubok at surpresa sa buhay, handa ba natin silang tanggapin ng taos sa puso? Handa ba nating kantahan at usisain ang sanggol sa sabsaban gaya ng mga bilanggo? Isang pagmumuni ngayong darating pasko ang maaaring naiwan sa akin matapos ang pakikitagpo na ito. Ang Munting Sanggol, ay pag-asa, at ang pag-asa ay Emmanuel — Nasa atin ang Diyos.

Barth Mariquit, NCAF Music Ministry

Barth Mariquit conversing with the inmates.

Barth Mariquit conversing with the inmates.

It’s a miracle and a great blessing to be given the chance to see and partially experience the life of the inmates. Seeing the inmates from the Medium and Maximum Security was overwhelming and fear never came within me. We went there to inspire and share our joy to the inmates, but then, amazingly they inspired us even more. Despite the sorrows and pain that we’ve clearly seen in their eyes, they still gave us their very warm smiles and Thank Yous. They inspired us with their overflowing hope and deep faith in God which have opened our eyes and hearts to a lot of things that we, free people, have neglected.

Our presence during the event was God’s amazing plan and its impact is not only for the benefit of the inmates but, greatly, for us, volunteers. The experience was worth it and I can’t thank God enough for giving me such feeling of fulfillment and contentment that not any tangible achievement and reward could suffice.

Keycee Velez, Journey Batch 11

One of the Journey Companions talking with the inmates.

One of the Journey Companions talking with the inmates.

My first visit to Bilibid was a very emotional experience. Because of my limited knowledge, I did not expect the place to be what it was. There was a community inside and the inmates seemed to live normal lives. People looked like they had livelihood and seemed to have the necessities of a barangay. But as the day went on, as we interacted with the inmates, the deep loneliness in both the Medium and Maximum security was evident. It was hard for me to talk about Christmas and family because I knew my blissful perceptions about these were very much different. It was not a normal community after all.

The Medium Security visit was for the elderly inmates. Once I stepped in that room, the loneliness struck me right then and there. The faces and the silence of the lolos broke my heart for I did not know how to feel as joyous as my smile showed. But as we offered songs to them, I felt moved. It was as if I was praying, not for them, but with them. As I listened to their stories, I realized that hope for a blessed Christmas was still very much alive. They will never give up. They should not. I sincerely hope I was able to remind them of their sons or apos because I know a visit from them would mean the world to the lolos.

In my first visit to Bilibid, we also visited the inmates of Maximum Security. In the Maximum Security, my first impressions were a bit different from the ones in the Medium Security. When we entered, the place was like what I saw in movies. To be honest, it scared me a bit. However, when we arrived the chapel for the Program, the liveliness in the room was more than what I expected. I felt safe again. The energy of the inmates gave me more emotion to sing to them. The inmates sang along and the joy in their eyes was evident. By that time, I knew I was praying. I knew it was all worth it. As we interacted with them, I was amazed of how good they were. It may seem shallow, but their words and faces gave me enough reason that they really wanted to change. They all forgave themselves.

Even if there was loneliness and pain in Bilibid, hope was always alive. I really felt the goosebumps when an inmate told me that they felt the Lord when we sang. It was never us, it was always Him. It was truly an honor to interact with people who had the Lord in their lives. As always, in outreach activities, I received more than I gave.

– Marco Velasco, Journey Batch 13

For more information about the Ninoy & Cory Aquino Foundation, you may email at info@ncaf.ph or call at (02) 892-5360.

Advertisements
This entry was posted in NCA Leadership Journey. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s